Nahaharap na naman sa panibagong pagsubok sa buhay ang aktres na si Snooky Serna. Matapang niyang hinarap ang mga issue na ibinabato sa kanya ngayon na may kinalaman sa kanyang problemang pinansiyal. Nagsimula ang lahat sa bali-balitang napalayas sa bahay silang mag-iina, na pumapatol na siya sa indecent proposals, at nagjijeep at tricycle na lang siya ngayon dahil totally broke na siya ngayon.
Inamin ni Snooky na malayong-malayo na ang lifestyle niya ngayon sa nakasanayan niya noon na marami pa silang pera. Kinumpirma niya ang sinasabi ng mga tao na nawalan sila ng bahay. Umabot daw sila sa puntong nag-squat sila sa kapitbahay dahil napaalis sila sa bahay na tinitirhan. Pero itinanggi na ng aktres ang issue ng pagpatol niya sa indecent proposals para lang masolusyunan ang problema niya sa pera. Kahit pa umabot sa puntong i-consider niyang tanggapin, hindi pa rin daw niya nagawang pumatol dahil hindi niya kaya. At kung nagko-commute na lang siya ngayon, katwiran ni Snooky wala siyang nakikitang masama kung gawin niya ito.
Dinipensahan naman ng aktres ang nanay niyang si Mila Ocampo dahil ito ang sinisisi na nagwaldas ng pera nila noong mga panahong nalulong sa pagsusugal. May mga milyones naman daw sila noon kaya hindi ito magagawang magastos ng nanay niya ng siya lang. Dapat din daw isisi sa kanya dahil naging magastos siya at masyadong maluwag sa pera sa ibang tao.
——————————————————————————–
Lesson, learn how to save money! spend only 10 percent if you can, or save at least 10 percent if you can. saving money doesn’t mean you are not enjoying your hard worked money. it just means, getting ready to face the future.
many celebrities, spend a lot, like there is no tomorrow and like their careers wont end at one point. this is what happens….
let this be a lesson to all celebs/non-celebs
Other Celebrity News
Free Philippine Scandal Videos