Isa-isang sinagot ng young actor na si John Prats ang mga isyung nag-uugnay sa kanya at kina Rayver Cruz at Shaina Magdayao, na sinasabing nililigawan niya ngayon.
Sa press conference ng bagong scent line ni John na Motion sa Scent Station na ginanap noong November 27 sa Imperial Palace Suites, Timog Ave, Quezon City, nilinaw ni John na wala siyang kinalaman sa diumano’y pagba-backout ni Rayver sa panliligaw sa nakababatang kapatid ni Vina Morales na si Shaina.
Hindi kaya dahil ito sa pag-amin ni John na nililigawan na niya si Shaina?
“Kung ako yung reason, I doubt kung ako kasi parang wala naman akong ginawa, e. I didn’t talk to him na parang lumayo na siya, ganito yung gawin niya. Actually, hindi ako yung ganung tipo ng tao. Kung anuman yun, I think siya yung dapat tanungin kung anuman yung reason. Basta ako, I’m always here for Shaina. Kung hindi man niya ako sagutin o hindi, I’m always here for her,” depensa ni John.
Dagdag pa ng binata, “I saw sa write-up dahil daw sa akin? Parang ako naman, if you like someone, di ba? Siguro itotodo mo, walang makakahinto kahit na sino.”
FOUR-MONTH RELATIONSHIP. Kamakailan ay may lumabas ding balita na nagsasabing apat na buwan na ang relasyon nina John at Shaina. Totoo ba ito?
“Nakakatawa yung part na ‘yon,” komento ni John, “Sa nagsabi na four months na kami, e, yun palang yung kakaamin ko pa lang sa kanya, siguro nung week na ‘yon, na I like her.
“That was two months ago noong lumabas ‘yon. ‘Tapos, ito lang, recently lang, naglabas na naman na four months na kami. Sana minove niya ng konti in two months para consistent siya,” natatawa niyang sabi.
Sabi ni John, hindi rin totoo na pinaplano nilang dalawa ni Shaina na magkita sa bahay ni Bea Alonzo, na kilalang malapit na kaibigan ng young actress.
“Yun, isa pang weird kasi hindi pa ako nakakapunta ng condo ni Bea. Kasi parang close kami ni Bea. pero parang, for me rin, mahihiya akong tao na parang nagkikita kami sa ibang bahay. Parang hindi ‘ata tama ‘yon,” natatawang paliwanag ni John.
Dagdag pa niya, “Hindi pa kami lumalabas ng kaming dalawa lang. Kasi, like after ASAP, lumalabas kami pero group kami. Lunch lang, hindi naman formal dinner or what. As in friendly lunch, ganun yung nangyayari.”
From PEP
Other Celebrity news in the Philippines - balita ng mga artista