Before anything, have you seen the Philippine Celebrity Scandals compilation? just below this blog or click here
Napansin namin na may hawak si Jennylyn na malaking manggang hilaw sa set. Hindi nga lang daw niya ito nakain dahil walang asin sa set. Nakaalis na raw kasi ang catering nang maisipan niyang kumain ng manggang hilaw.
“Kung anu-ano na ang gusto kong kainin. Minsan gusto ko matamis. Minsan gusto ko ng maasim. Paiba-iba kaya ang hirap! Mahirap pala ang buntis!” sabay tawa niya.
Marami na nga raw nararamdamang pagbabago si Jennylyn sa kanyang katawan sa first trimester ng pagbubuntis niya. Maya’t maya raw ay parang umiikot ang sikmura niya kaya nakakaramdam siya ng pagsusuka.
“Bigla na lang kasi nag-iiba ang feeling ko. Kaya para akong laging nasusuka. Mabuti na lang kanina, natapos na yung kinunan na scene kasi sumama ulit pakiramdam ko. Pero mabilis naman ako maka-recover. Uupo lang ako at okey na,” ang kuwento pa ni Jennylyn.
Hindi raw gusto ni Jennylyn ang amoy ng mga sabon na panlinis at panlaba. Nahihilo raw siya kapag nakakaamoy siya ng mga gano’n.
Aniya, “Mas naging sensitive ang pang-amoy ko talaga. Kapag nakaamoy ako ng mga sabong panlaba or mga panlinis ng sahig at banyo, bumabaliktad ang sikmura ko. Pero yung mga pabango, okey naman. Huwag lang yung may mga chemicals na panlinis.”
Nang usisain siya tungkol sa gusto niyang maging anak, sana babae raw dahil aayusan niya ang baby na parang manika. Pero halos lahat daw ng nakakakita sa kanya ay nagsasabing lalake raw ang ipinagbubuntis niya.
“As in lahat nang mga bumati sa akin na mga mommy na sinasabi na boy daw ang magiging baby ko,” ngiti ni Jen. “Nagtataka nga ako, paano nila nalalaman? Sinasabi nila na nag-iba raw ang hitsura ko. Kitang-kita raw nila na lalake ang magiging anak ko.

From PEP
Other Philippine Celebrity News