Ito ay nag-ugat sa radio guesting ni Billy sa show ni DJ Mo Twister noon, kung saan sinabi diumano ni Billy na nahalikan na niya si KC.
“I haven’t seen or talked to KC for a long time. Mga one year na siguro kaming hindi nag-uusap man lang and the said issue was a long, long ago issue pa. Ang hirap kasi dito sa atin, pinipik-ap lang ang negative at ini-ignore na yung mga magagandang bagay na sinabi ko,” sabi ni Billy sa presscon ng first major concert niya sa Pilipinas na It’s Time, na ginanap kaninang hapon, September 12, sa Tramway Garden Buffet sa Timog Ave.
“In that said radio interview,” patuloy niya, “we were having fun and it was made clear then na katuwaan lang ang lahat. It was a six o’clock [morning] radio program that intends to generate fun and laughter lang. Malinaw na malinaw sa pagkakatanda ko na nagbigay kami ng warning na nothing serious should be taken out of the remarks that I would say. I said nothing derogatory about KC, pero dun sa mga pumik-ap ng isyu, negative pa ang ipinalabas and they made it controversial.
“But I did apologize. Kay KC, kay Tita Sharon, o kung kay Direk Lino [Cayetano, KC's rumored boyfriend] man dun sa palagay nilang hindi maganda sa sinabi ko. Ayoko na talagang magbigay ng kahit anong comment on KC hangga’t hindi ko mismong naririnig sa kanya ang mga ganyan at hindi pa talaga kami nagkakausap. I have nothing but respect and praises for her,” paliwanag ni Billy.
From PePortal
Other celebrity NEWS