Buhay nanaman ang issue! nag salita na si gretchen!
From a major new company website:
Finally, Gretchen Barretto speaks up.
Ever since pumutok ang so-called “kisscandal” involving Gretchen and John Estrada early June of this year ay nanatiling tikom ang bibig ni Gretchen regarding the issue.
TONYBOY’S CONDITION. Kumusta na si Tonyboy after nitong sumailalim sa isang maselang operasyon sa Amerika?
“Right now, okay na si Tony. Nagkaroon siya ng isang operation dito, sa Manila Doctor’s Hospital and then a week after, pumunta kami ng Boston for a throat surgery. Okay na siya and then, aalis ulit kami next week,” kuwento ng aktres, who looked fresher with her new short hair.
According to Gretchen, hindi siya nawala sa tabi ni Tonyboy and she was there the whole time para bantayan at suportahan ito sa pinagdaanan nitong health crisis.
MESSAGE TO THE PUBLIC. Sa tagal ng panahon na pinili niyang manahimik at huwag munang magsalita, ano ‘yung mensahe na nais niyang iparating ngayon sa publiko?
“Sa lahat naman ng nangyari sa akin na mga storms o sa mga bagyong nagdaan sa buhay ko, palagi namang naging faithful ang publiko sa akin…
“Siyempre, hindi naman lahat maganda ang nasasabi sa akin; may maganda, may hindi maganda, pero ganyan talaga ang buhay. You have to take the good with the bad, the bad with the good, hindi ba?
“So, nagpapasalamat lang ako sa lahat ng mga nagdasal para sa akin at para kay Tony nung nagkasakit siya. Sa lahat ng mga umintindi at pilit na umiintindi… At sa lahat ng mga hindi nakakaintindi, pasensiya na lang. Pero hindi ko naman kasi binibigyan ang publiko ng ibang larawan ng isang Gretchen Barretto.
“Kung ano po ‘yung nakikita n’yo, the good and the bad, ako po ‘yon. Ako talaga ‘yon! So, ‘yun lang naman talaga ang maio-offer ko,” pahayag ni Greta.
UNCONDITIONAL LOVE. Kung meron man daw siyang labis na ipinagpapasalamat, ‘yon ay ang patuloy na pagbibigay ng pang-unawa at pagmamahal sa kanya ni Tony at ng only daughter nilang si Dominique.
“Ang naa-appreciate ko kay Tony at kay Dominique is that kung anuman ang nangyayari, kung anuman ang pinagdaraanan ko—tama o mali—they’re proud of me kapag tama ang ginagawa ko or mabuti ‘yung nagagawa ko sa career ko.
“At kung hindi naman siya mabuti, they’re still faithful. You know, they still take me. Pero ganyan naman ang tao, e, di ba? We have a good side and we have a bad side,” pahayag ni Gretchen.
May cute na kuwento siya tungkol sa naging reaksiyon ni Dominique nung height ng controversy about the infamous kissing photo.
“Nung ine-explain ko kay Dominique, sabi ko… in English, kasi hindi siya nakakaintindi ng Tagalog… I said, ‘Dominique, let’s live in the States kasi, you know, here in the Philippines, every intrigue is parang blown out of proportion.’
“And she said, ‘Oh, it’s okay mom, you know, you’re just like the Paris Hilton of the Philippines. At least, you didn’t get jailed. Hahaha!
“I had to share that, na marunong umunawa ‘yung anak ko. She loves me, and I guess, marunong din akong humingi ng tawad pag nagkakamali ako,” proud na bulalas ng magandang aktres.
Paano siya inunawa ni Tonyboy sa kabila ng mga intriga at kontrobersyang kinasangkutan niya?
“Well, like I said, very faithful siya sa akin in terms of pang-unawa, and para sa kanya, parang lahat nagkamali. Kasalanan ng lahat, hindi ‘yung akin lang.
“Siyempre, parang naguluhan din ako dahil naawa rin ako sa mga kaibigan ko dahil siyempre, I’m older than most of them, di ba? I’m older than Rufa Mae [Quinto] and Ruffa [Gutierrez], and Nadia [Montenegro]. Pero parati silang nasisisi pag may nangyayari sa akin.”
Source:
http://www.yehey.com/boards/ShowPost.aspx?PostID=113322#113322