
Sinisigurado ni John Prats na hindi siya makakasunod kay Shaina Magdayao pag-alis nito papuntang Japan this Tuesday, November 6, in time for her birthday.
On vacation ang family ni John sa Anilao, Batangas, for the long holidays. Umuwi lang si John sa Manila ng ilang oras noong Linggo, November 4, para sa pictorial ng kanyang festival entry this year, ang “Christmas Tree” episode ng Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment. After his shoot, bumalik na sa Anilao si John. Tuesday morning na ang uwi nila.
Since inamin na ni Shaina during her birthday presscon last week na nanliligaw nga sa kanya si John, ang young actor naman ang pinagsalita namin about this.
“Never naman akong nag-deny,” diin ng young actor. “Kaya lang, ang isinusulat noon, kami na, which is not true. If ever kami, I will not deny, hindi ko ikakahiya. Never ko lang kasing ginagamit ang salitang panliligaw, hindi ako nasi-sincere-an sa term.”
Hindi niya alam kung kailan at kung paano nagsimulang matipuhan niya si Shaina.
“Nagulat din ako. Matagal ko na siyang kilala, kasama pa siya ni Camille [Prats, John's sister], so I saw her grow up. Never kong plinano na ligawan siya, dumating na lang isang araw,” sabi ni John.
Read more here
Showbiz celebrity discussion
———————-
Philippine Showbiz News